Syempre, una sa lahat, gumising ka, wala nang ibang paraan para simulan ito kundi paggising.
Pangalawa dapat alam mo ang mga gagawin mo sa araw, gaya ng pagbangon mula sa kama, kadalasan mahirap gawin ito dahil ayaw tayong pakawalan ng malambot nating unan at ang nang-aakit na kumot na nagsasabing "Wag mo akong iwan baby!". Dapat malakas ang kalooban mo kung talagang gusto mo ng isang magandang araw, mahirap na pagsubok ang step ito, dapat malagpasan mo.
Pangatlo, dapat alam mo kung ano ang dapat na mauunang paa ang siyang lalapag sa sahig. Dahil marami ang naniniwala na kapag ang kanang paa ang nauuna sa sahig galing sa kama,magiging maswerte at magaan daw ang araw mo. Mahirap lagpasan ang pagsubok na ito sa mga kamokong nating walang paa. Kung magkagayon man, lagpasan ang step na ito.
Pang-apat, dapat ay lumabas ka na ng silid. Hindi ka makakapagsimula ng isang magandang araw kapag di mo ginawa ang step na ito. Kung walang pinto ang silid, lumabas sa bintana, kung walang bintana at kung anumang pwedeng labasan ewan ko sayo, pano ka nga ba nakapasok jan?
Panlima, gawin ang anumang nais gawin na siyang ikaliligaya mo. Kung kasam mo sa bahay ang madakdak mong ina, huwag pansinin ang sinasabi. Bagkus ay titigan mo siya, batiin ng "magandang umaga" at ngitian tapos sabihing "Napakaganda mo nagyon nay ah, lalo na kapag ngumingiti ka". Effective ang paraang iyan. Pero para sa mga kamokongs diyan na may inang ipinaglihi sa sama ng loob, ang pinakaepektibong paraan ay ang pagsasampalin, bugbugin, pagsasabunutin at pagtatalakan ang ina sa isipan habang nakangiti na mukhang nanloloko sa harap ng ina. Magtataka ngayon ang iyong ina, titigil yan bigla, promise. (Kasi inisip niyang nasisiraan ka na ng bait dahil sa kadadakdak niya, mula sa araw na yan magbabago na siya).
Pang-anim. Maligo, kumain, magsipilyo, magpabango at manalamin. Sabihin sa sariling "ampogi/ang ganda ko" kahit na hawig mo sina Madam Auring o si Chocoleit. Dahil isa ito sa mabisang paraan para tumaas ang confidence mo na halos di mo na maabot. Wala nang ibang magmamahal sa hitsura mo kundi ang sarili mo. Simulan ang pagmamahal sa sarili bago ka mahalin ng iba.
Pampito. Patayin lahat ng kontrabida sa buhay. Maliban sa nanay at kung sino pang tao (ayaw mo naman sigurong maging kriminal). Ang ibig kong sabihin dito ay yaong mga negatibong aspeto ng iyong buhay. Kung may problema, mabuting lagyan lamang ito ng maliit na espasyo sa isipan at bigyang daan ang mga mabubuting bagay na nangyari sa iyo ngayong araw. Una na riyan ay ang nagising ka at buhay. Mabuting paraan ito para mabalanse ang mga iniisip. Dahil kapag binigyan mo ng malaking part ang ka-negahan mo, maghapon ka nang masisiraan ng loob.
Pang-walo at panghuli. Magdasal. Magpasalamat. Matutung mag-appreciate. Magpatawad. Panigurado, winner ka!
-Mokong. 0012887afd
No comments:
Post a Comment