Mga Kamokongan

Sunday, September 12, 2010

Mokong. Ang konverseyshon na walang patutunguhan.

Isang makumlimlim na umaga ng Lunes, nisipan ni goyo na bigyan ako ng konting mga katanungan na gagamitin niya sa isang article. Ginamit niya ang facebook sa kalokohang ito. =) LOL. Narito ang naging kasagutan ng isang mokong. Warning: Reader's discretion is advised!

 

Between You and Alexis Goyo

Alexis Goyo September 13 at 10:22am
1. Kung ikaw ay magiging isang hayop sa loob ng isang araw, bakit kabayo ang pinili mo?

2. May lumabas na genie, pwede kang humiling as usual. Kaya lang, ang hiling lang e magiging item ka ng pinaka-crush mong babae, bakit panty ang pinili mo?

3. Sa huling katanungan, kung may isang bagay kang pinagsisisihan na ginawa mo sa buhay mo (maliit man o malaki), ano ito at pano ito nakaapekto sa buhay mo? 
 

Nass C. Padilla September 13 at 10:47am
1. Tangina, wala bang ibang choice? Kung ako magiging kabayo, tatakbo ako ng tatakbo papalayo mula sa kinaroroonan ko. Hanggang sa maubos ang isang araw. Anak ka nang, ikaw ba naman maging kabayo sa loob ng isang araw, malamng pinagtawanan na ako ng mga barkada ko, imbis na nag-iinuman kami. Tas di rin ako makakapag-tumblr dahil wala akong daliri para hawakan ang mouse. Baka atakihin din ang nanay ko kapag may nakita siyang kabayo sa kusina, gastos pa yun sa ospital. Tapos kapag natapos na isang araw, pupuntahan ko si goyo (no-brip) sabay dadagukan!

2. Alam na lam mo likaw ng bituka ko hayop ka! Sino ba namang lalaki ang ayaw maging panty ng crush niya? Bukos sa malalanghap mo ang halimuyak niyang taglay, ikaw pa ang siyang magpoprotekta sa kanya mula sa masasamang elemento galing sa labas ng kanyang emperyo. Pwera lang kung naka-red flg siya, pucha, dusa!

3. Naks, sumesryoso, haha. Parang pamilyar ang katanungang ito nampots. Good evening Las Vegas!!! Hahahaha! Tangina ka! Hindi kagaya ni Ms Philippines na walang major major mistake sa buhay, ako marami. Maliit at malaki. Isa sa pinagsisisihan ko ng labis ay ang hindi ko pagsisisi. Marami na akong naging mga pagkakamali pero natuto akong wag magsisi. Masarap ang mabuhay, hindi dahil lamang sa maganda ang nagiging takbo nito pero dahil na rin sa mga pagkakataong nadadapa tayo. Sa kaso ko na ilang beses na rin halos sumuko sa buhay, napatunayan kong doon ako naging matatag bilang tao. Gaya nga ng paniniwala ko, hindi magiging matibay ang isang espada kapag hindi ito nagdaan sa pagpapanday na kung saan kelangang lusawin ito sa apoy, pagpupukpukin at hahasain. Ganun ang nangyari sa akin. Kenailangan kong magdaan muna sa matinding pagsubok upang marating ko ang kinaroroonan ko ngayon. Ano nga ba ang kinaroroonan ko ngayon? Wala, tambay, painom inom, patumblr tumblr, pa blog-blog, pasagot sagot sa katanungan ni no brip. Kaya nga ako nagsisisi dahil di ako marunong magsisi eh haha. Pero lubos ang kaligayahan ko, dahil sa pamamagitan ng tumblr, nagkakaroon ako ng buhay. Dahil sa tumblr, lumawak ang span ng circle of friends ko, though virtual na maituturing, masasabi ko namang tunay at busilak ang mga kalooban ng taong naniniwala sa akin. =) Isa ka na roon no-brip (goyo) na natagpuan kong halos kapareho ko ng ugali. Walang bahid ng pagka-holy sa katawan pero nakakaligaya naman. =)

1 comment:

  1. tang ina pinost mo agad.. hmph.. nasa tumblr na din to?

    ReplyDelete