Ako, makailang beses na. Nariyan kang nadulas ako sa harap ng klase, nakita ako ni mommyna hubad natutulog sa sala, nahuli ako ni daddy doing something, lumobo yung sipon ko nung bata, nahulog na ako sa kanal nung elementary, umandar bigla yung jeep habang sumasakay ako, at aba, marami pang iba!
Kadalasan, nanlulumo tayo kapag pakiradam natin ay napahiya tayo sa harap ng iba o nang maraming tao. Ang tumatakbo madalas sa isip natin eh pinagtatawanan nila tayo, sinasabihan tayong "tanga" o kung anu-ano pa. Pero hindi naman lahat ganun, meron din yung ibang concerned talaga. Merong naaawa, merong nag-aalala. Yun nga lang, ang talaga nga namang tumatak na sa kukote natin ay maling katotohanang tayo nga ay pinagtatawanan. Hindi naman natin masisisi ang mga sarili natin dahil mula pa pagkabata sa sarili nating mga tahanan ay ganito na ang ating kinamulatan. At sa ating paglaki, habang tayo ay na-axpose na sa kamunduhan, laging ganito ang mga kaganapan. Nariyan kang may makikita ka na lang batang luhaan dahil naburot sa taguan. May batang nag aamok dahil pinagtawanan dahil natalisod sa daan. Pero hanggang kailan magiging ganito? Hanggang kailan natin mararamdaman ang hiya sa harap ng ibang tao?
Siguro dahil isa itong regalo mula sa taas na ang ibig lamang ipahiwatig ay hindi kahit kailanman laging sarap lang dapat nating maramdaman. Dapat siguro ay paminsan minsan nalalaman din nating hindi sa lahat ng pagkakataon laging magagandang bagay lamng ang mangyayari sa atin. Itinuturo lamang nito na kapag sa atin din mangyayari ang bagay na pinagtatawanan natin, alam natin ang pakiramdam ng "napapahiya". Masakit, mahapdi, hindi nakakatuwa.
Sa pagkakataong ikaw naman ang mapahiya, alam mo na.
No comments:
Post a Comment