Santan ang tawag sa bulaklak na ito. Bihira na lang akong makakita nito although marami pa namang ganitong bulaklak sa paligid. Noong bata pa ako, punung-puno ng Santan ang garden ng bahay namin at ng lola ko. Pinaka-common na sigurong kulay ng bulaklak na ito ang pula at dilaw.rotaaire.tumblr.com
Wala mang amoy ang bulaklak na ito ay napakikinabangan pa rin ito ng husto noon. Sino nga ba ang hindi nakatikim ng nektar ng Santan? Sabi nila, kapag hinila mo ‘yung something na nasa gitna nito, may lalabas daw na kakarampot na nektar sa dulo at maaari mo itong sipsipin. Pero sa totoo lang, hindi ko masyadong malasahan ‘yung sinasabi nilang nektar na ayon sa kanila ay matamis daw. Ewan ko ba kung bakit.
Ilan pang pakinabang nito ay pwede mo silang gawing kwintas o bracelet. At kung bored kayo ng mga kumpare mo noong bata ka pa, maaari kayong maglaro ng pitikan ng bulaklak, kung saan ang huling malagasan ng pinitik na petals ng Santan ay siyang may malutong na pitik sa tainga. O kung meron kang crush sa isang tao, maaari ka ring mag-“she loves me, she loves me not” achuchuchu gamit ang petals ng Santan.
At ‘yan ang Santan. Ang bulaklak na naging parte ng aking pagkabata. Wala lang.
Thursday, September 09, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
batang 90's here, sarap din maalala ang nakaraan lalo na yung mga laro dati pure lang yung saya ng mga bata kahit simple lang ang buhay, masaya kahit walang CP noon. hehe
ReplyDelete