Fishballs. Ang pagkaing walang karapatang magmahal since 1987. Hehe. Mula pa noong kabataan ko ay ito na ang paborito kong street food sa lahat.Bukod sa mura na, mapapamura ka pa sa sarap! Hanggang sa nagkaedad ako, paborito ko pa rin ito at ng karamihan sa mga Pinoy. Masarap ito kung masarap din ang sauce. Marami na ring nagbebenta nito maski sa mga malalaking malls at restaurants ngunit iba pa rin kapag sa kalye mo ito kinakain, mas mokong mas masaya. =)
Betamax. Ito ang street food na bawal sa mga Iglesia at mga Saksi. May paniniwala kasi sila na hindi paniniwala ng karamihan sa mga mokong na kagaya ko. Masarap ito kapag isinasawsaw sa suka na may sibuyas at kalamnsi, hehe. Karaniwang makikita mo ito sa suking barbeque stand sa may mga kanto. =)
Isaw. Naku naman, sino nga ba naman ang hindi nakakakilala rito. Ito ay gawa sa bituka ng manok o ng baboy. May kakaibang lasa ito na parang creamy na siyang edge niya sa lahat ng iba pang mga street foods. Ito rin halos ang pinakamura sa mga barbeque mula sa P3.00-P6.00 na persyo. =)
Siomai. Naku eh, sino ba namang di nakakakilala sa pagkaing kalye na to? Sikat na sikat na ito all over the country at medyo sosyal na siya ngayon dahil na-invade na rin niya ang mall (mas sosyal lang ng konti kay fishballs). Sumikat din ito dahil sa singer na si Jovit Baldivino. Gawa ito sa giniling na karne at binalot sa siomai wrapper. Masarap itong isawsaw sa toy na may kalamansi at konting anghang. =)
Kwek Kwek. Hindi ako sigurado kung saan derived ang pangalan nito pero men, masarap to. Gawa ito sa itlog ng pugo na binalot sa kulay orange na harina, hehe. Kadalasan mula dalawam piso hanggang tatlong piso ang presyo nito. Isinasawsaw ito sa suka o sa sauce. Bawal ito sa mga matataas ang kolesterol sa dugo dahil mas malakas ang kolesterol ng quail egg kesa sa ordinaryong itlog ng manok. =)
Shawarma. I would kill for it. Ito ang pinakapaborito ko sa lahat. Enough said. The picture will tell. =)
Sweet corn at Binatog. Para sa mga healthy-wise. Mais lamang ito, isang mabuting source ng carbo. Mabuti rin ito para sa mga umiiwas sa mga mamamantika at mauusok na pagkain gaya ng mga naunang nabanggit. =)
Taho. Kilalang kilala ng bawat pinoy kada umaga. Masarap at mainit. Perfect talaga kapag bagong gising. Mayroon na ding version nito ng strawberry flavor sa Siyudad ng Baguio.
Sorbetes at Halo-halo. Saktong saktong pampalamig sa napakainit na panahon ng summer. Matamis at refreshing at street food na ito. Well, bawal rin ito sa mga may diabetes hehe. Pero saktong sakto ito sa lahat ng panlasang pinoy. Maraming iba't ibang versions ang mga ito. Ito rin ang pinkamakulay sa laaht ng mga pagkaing kalye. =)
Marami rami pa sigurong mga pagkaing kalye ang di ko nabanggit. Sa sobrang dami, halos malulunod ka. Ganyan ang Pinas, laging may paraan. Imbis na gumastos ka sa mga mamahalin at class na reatawran, aba eh sa kalye ka na lang, mura na aba'y nakakabusog pa. =)
-MOKONG
All photos courtesy of google.com
No comments:
Post a Comment