Ano nga ba ang blog sa pananaw ng isang free encyclopedia: “Blogs are usually maintained by an individual with regular entries of commentary, descriptions of events, or other material such as graphics or video.”
Bakit nga ba mahalaga sa isang blogger ang isang “blog”.
Ang buhay ng isang “blogger” ang kanyang blog. Parang ang bumbero ay para sa sunog at ang barbero ay para sa buhuok. Maaaring ikumpara ito sa kanyang hininga. Hindi ka maituturing na isang blogger kung wala ka namang blog. O kung meron man, dapat ay may kabuluhan ito. Dapat ay maiintindihan at mauunawaan ito ng isang mambabasa. Si J.K. Rowling ay hindi magiging successful na writer kung wala namang saysay ang sinusulat niya. Kagaya ng isang blogger (specifically a tumblrista), hindi ka tatangkilikin o mamahalin ng mga kapwa mo blogger kung wala namang kabuluhan para sa kanila ang iyong blog. Mahalaga na dapat ay may koneksiyon ito na magagawa para kalabitin ang interes ng mambabasa. Simpleng “Aanhin ang damo kung patay na ang kabayo” would make sense kapag ang blogger na gumawa nito ay kayang bigyan ng kahulugan ang ibig sabihin nito.
“The ability of readers to leave comments in an interactive format is an important part of many blogs.” -Wikipedia
Ang notes, comments at likes ay mahalaga sa isang blog. Hindi totoo na wala namang saysay ang mga ito at basta nagba-blog lang. Para na ring gumawa ka ng isang produkto at inilako sa market pero walang tumangkilik. Para saan ang isang blog kung wala namng mambabasa? Di nga ba’t wala? Gaya nga ng sabi ko noon, kung nagba-blog ka at wala man lang ni isang nag-iwan ng note, mag-isip ka na. It’s either hindi nila ito nagustuhan or kulang pa. Hindi ko sinasabing mawalan ka ng pag-asa. Lahat tayo ay writers in our own ways. Lahat tayo may karapatang mag-blog, only lahat tayo dapat ay marunong humuli ng kiliti ng mambabasa.
Kung nag-iisip ka pa rin ngayon, mag-isip ka pa rin. Mahalaga ang wastong ideya at pag-iisip para sa isang successful na blog/post.
-MOKONG
No comments:
Post a Comment